Miyerkules, Oktubre 3, 2012

Religion/Filipino Part

Base sa paniniwala ng mga mamamayan sa Mount Banahaw, ang Ciudad de Mystica ang Bagong Jerusalem. Dito ay naniniwala sila sa pagdadasal sa kalikasan at pagturing kay Jose Rizal na isang pambang bayani para sa atin, bilang Diyos at sa mga iba pang bayani para sa atin ay mga apostol o disipulo naman para sa kanila.
Maraming mga simbolo ang makikita sa Mount Banahaw, kagaya ng mga larawan na nasa ibaba. Dapat natin respetuhin ang kanilang mga paniniwala dahil tayo mismo ay may sariling paniniwala sa ating relihiyon.
Kalbaryo

(Paniniwala nila tungkol kay Jose Rizal bilang isang Diyos)
(Matang nakapaloob sa tatsulok na sumisimbolo
sa Rizalismo)
(Respeto sa kanilang pagdadasal)
(Respeto sa kanilang paniniwala)

Natutunan rin namin ang pag respeto sa paniniwala ng ibang mga tao. Natutunan namin na dapat irespeto ang mga ginagawa nila kagaya ng kanilang pagdadasal at pagrespeto sa mga simbolo nila sa kanilang relihiyon. Lalo na kung hindi ito ang kadalasang nakikita ng tao, dapat natin itong respetuhin dahil tayo mismo ay may sariling paniniwala.



Sa aming Outbound Trip ay marami kaming natutunan kagaya ng pagtulong sa isa’t – isa. Nagtutulungan kami sa isa’t – isa sa pag – akyat ng bundok lalo na kapag mayroong hindi na kaya o kaya naman ay nawawalan ng lakas ng loob, dito pumapasok ang pagsuporta ng bawat isa kahit sa pagsabi lang ng “kaya mo yan” at ito’y makakatulong na para ituloy ang pag - akyat sa bundok. Kami rin ay inaalalayan ang isa’t – isa lalo na kapag mayroong mga madudulas na daan.
(Courtesy of Mr. Ganibi)
Nang kami ay pumasok sa husgado natutunan namin ang kanilang paniniwala na kapag kami'y pumasok sa loob ay kailangan namin makalabas ng walang sugat para sabihin na hindi kami makasalanan. Nasiyahan kami sa aming ginawa dito kahit kami'y nahirapan dahil isa itong pagsubok para sa amin para maging matatag kami. Natutunan rin namin na kailangan rin dito ng komunikasyon at makinig dapat sa nagtuturo para makalabas, sa madaling salita, dapat kaming maging bukas ang isipan para sa sinasabi ng iba. Sa tingin namin kailangan rin dito ng kooperasyon para suportahan mo ang mga kaklase mong nahihirapan o kaya naman ang mga mahihina ang loob para pumasok dito.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento