Bago kaming mag lakbay sa iba't ibang lugar sa Mt. Banahaw, ipinaliwanag muna sa amin ni Kuya Robi ang mapa ng Ciudad Mistica.
Ito ay isang rebulto ni Rizal. Ito ay ginawa ng mga Rizalista upang magbigay-pugay kay dr. Jose Rizal na itinuturing nilang propeta.
Ito ang papasok sa tinatawag nilang Hosgado(Judgement) cave. Dito, kami ay sinusubukan ang aming tawala sa sarili at sa Diyos. Kailangan naming pumasok sa kwebang ito at makalabas nang ligtas.
Ito naman ang sumisimbulo sa Rizalismo kung saan makikita ang isang mata na nasa isang tatsulok na pigura na may dalawang pula at asul na pakpak.
Ang mga krus na ito ay ang sumisimbulo sa krus ni Hesus. Ito ay matatagpuan sa tuktok ng Kalbaryo. Bago makaraiting dito, kailangan munang maklakbay ng matarik na bundok ng Kalbaryo. Ang paglalakbay namin dito ay pinaparanas sa amin ang paglalakbay ni Hesus.
Pagkatapos ng aming paglalakbay, kami ay naligo sa napakalamig na ilog Lagnas. Ang ilog na ito ay sinasabing banal sapagkat ito raw ay nagpapalinis ng kaluluwa.


Walang komento:
Mag-post ng isang Komento